Ibigay Ang Anim Na Institusyon Ng Lipunan

Ibigay ang anim na institusyon ng lipunan  

Explanation:

Pamilya

Ang pamilya ang natural na institusyon ng lipunan. Ito ang bumubuo ng populasyon sa bawat pamayanan. Nagiging marami sa paglipas ng panahon, nakakabuo ng mga samahan at nagkakaisang layunin.

Kapag naging malaki na ang pamilya sa isang lugar at nakabuo na ng mga batas, pumapasok na dito ang pamahalaan. Sa katunayan, ito ay masasabing malaking pamilya, organisado ito dahil mayroong mga batas at patakaran na dapat sundin ng mga nasasakupan.

Pamahalaan

Ito ang institusyon ng lipunan na naglalaan seguridad, organisasyon para sa mamamayan nito. Ang bawat estado ay mayroong ibat-ibang pamahalaan na nagbibigay ng hiwalay na limitasyon at sakop.

Paaralan

Ang paaralan naman ang magsisilbing tagahubog ng kaisipan ng bawat mamamayan. Nagiging matatag ang isang pamahalaan kapag edukado ang bawat mamamayan nito. Ang institusyon ng lipunang ito ang nagsisilbing training ground para sa pagpasok ng isa sa tunay na mundo sa lipunan.

Simbahan

Ang simbahan naman ay pumapatnubay sa bawat pamilya at indibidual upang kilalanin ang espiritual na pangangailangan ng bawat isa. Kaya ang pinakalayunin nito ay upang masapatan ang pangangailangang espiritual ng bawat tao, mapanatili ang mataas na pamantayang moral, at makikilala na ang lipunan ay nagmula sa Diyos.


Comments

Popular posts from this blog

What Are The Main Functions Of The Following?, *Trachea, *Bronchi, *Bronchoi, *Lungs, *Pharynx, *Larynx, *Bronchioles

Analysis Of Meaning And Relevance Of History From The Millennials Point Of View?

This Principle Indicates The Need For An Individual To Perform A Specific Type Of Exercise To Improve Fitness Of A Specific Body Parts?