Ano Ba Ang Ekonomiks?
Ano ba ang ekonomiks?
Kasagutan:
Kahulugan Ng Ekonomiks
Maraming mga tao ang inaakalang kapag ekonomiks ang pinag-uusapan ay tungkol lang ito sa pera. Ang ekonomiya ay hindi lamang tungkol sa pera. Ito ay tungkol sa pagtimbang mo ng ibat ibang mga pagpipilian. Ang ilan sa mga mahahalagang pagpipilian o choices na isinaalang alang mo sa buhay ay hindi lang naman tungkol sa pera ngunit sa marami pang iba.
Ang ekonomiya din ay ang pag-aaral kung paano ginagamit ng lipunan ang limitadong mga mapagkukunan nito. Ang ekonomiya ay isang agham na panlipunan na may kinalaman sa paggawa, pamamahagi, at pagkonsumo ng mga kalakal, produkto at serbisyo.
Kahalagahan Ng Ekonomiks
Mahalaga ang ekonomiks dahil sa pamamagitan nito ay nakagagawa ng magandang desisyon kasi nga dito ay tinitimbang natin kung ano ang magandang alaternatibo at pagpipilian.
Sa pamamagitan din ng ekonomiya ay nasusukat ang pagiging maunlad ng isang bansa.
#AnswerForTrees
Comments
Post a Comment